Comelec-Batangas at BPPO, hinimok ang suporta ng publiko sa malinis at maayos na BSKE

Hinimok ng Commission on Elections o COMELEC-Batangas at Batangas Police Provincial Office (BPPO) ang publiko na suportahan ang kanilang mga programa para sa ligtas at malinis na Barangay at SK Elections sa darating na Oktubre 30.

Ang naturang panawagan ay inanunsyo ng dalawang ahensya kasabay sa isinagawang First Provincial Joint Security Control Center Meeting sa BPPO sa Camp General Miguel C Malvar, sa Batangas City.

Ayon kay Police Col. Samson B Belmonte, ang Batangas PPO Provincial Director, importante ang kooperasyon ng taumbayan para magtagumpay ang kanilang mga ginagawang paghahanda para sa maayos na halalan.

Giit nito, wala silang sinasayang na panahon kahit ilang buwan pa bago ang eleksyon para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Samantal, kasabay sa isinagawang meeting ay tinalakay naman ni Atty. Jonalyn S. Sabellano, Provincial Election Supervisor ng COMELEC Batangas, ang COMELEC resolutions kaugnay sa gun ban.

Magsisimula ang gun ban period sa August 28 hanggang November 29.

Tinalakay din sa joint meeting ang deployment ng mga kapulisan, AFP, BFP, at PCG sa lahat na mga polling areas para masiguro ang kaligtasan ng mga botante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *