COMELEC – wala nang extension para sa voters’ registration na nakatakdang magtapos bukas

Ninilaw ng Commission on Elections na hindi na nito palalawigin pa ang voters’ registration.

Nakatakda na kasi itong magtapos bukas, araw ng Sabado – ngunit dagsa pa rin ang mga nais magpareshistro para sa barangay at Sanguniang Kabataan elections sa Disyembre.

Ayon kay COMELE acting spokesperson Dir. John Rex Laudiangco, pinal na ang desisyon na hanggang bukas na lamang maaaring magparehistro.

Aniya, hindi na ito maaaring i-extend dahil kung pagbabasehan ang batas, sasapaw na ito sa itinakdang 120 days period bago ang mismong halalan.

Magigipit na rin aniya ang poll body sa oras sakali mang dagdagan pa ang registration period.

Kaugnay nito, una nang iniulat ni Laudiangco na nalagpasan na nila ang target na 2 million voter applicants.

Sa huling bulletin ng tanggapan, umabot na sa 2,119,878 ang mga nagpa-rehistro.

Mayorya pa rin sa mga ito ay nasa age bracket ng mga kabataan para sa SK.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *