Commuters na maaapektuhan ng transport strike, kayang i-accommodate ng modern jeepney

Tiniyak ng Region 3 Transport Cooperative Corporation, ang grupo ng mga transport cooperative na sang ayon sa PUV Modernization Program sa Central Luzon, na kayang nilang isakay ang volume ng mga mananakay kahit pa ituloy ng mga ilang tutol sa modernization program ang kanilang tigil pasada sa susunod na linggo.

Sa panayam kay Raul Dalaquit, ang tumatayong president ng grupo, sinabi nito na kaya nilang pagsilbihan ang mananakay sa kasalukuyang bilang ng mga pumapasadang modern jeepney.

Dagdag pa nito malaki na rin umano ang bilang ng mga driver at operator sa Central Luzon na nag consolidate na para sa kooperatiba.

Tinatayang nasa 177 ang mga kooperatiba at higit 83 percent na ang consolidated franchise na galing din sa mga individual operators ng mga jeepney.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *