Compliance sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program magpapatuloy kahit pagkatapos ng itinakdang deadline sa October 31

CAMARINES NORTE – Nilinaw ng Social Security System tuloy- tuloy ang compliance sa Annual Confirmation of Pensioners’ Program (ACOP) kahit pagkatapos ng October 31.

Sa panayam ng Brigada News FM  kay SSS- Daet Branch Head Ermina Maria Robredo sinabi nito na nagtakda lamang ng deadline  ang ahensiya para makahabol ang mga hindi nakapag comply noong kasagsagan ng pandemya.

Sinuspinde kasi noon ang ACOP dahil sa mahigpit na quarantine restriction na ipinatupad ng gobyerno.

Aniya kailangang mag update ng SSS dahil posibleng may mga namatay nang pensioner sa panahong ito.

 “It doesn’t mean na mai- stop yung pag ACOP, continuous pa rin kahit nag deadline, nag deadline kasi kami sir para makahabol kami doon sa during the pandemic na dae kami po nag ACOP ta sinsuspend po baga yan, hindi namin  alam po baka may mga namatay nang pensioner so kawawa naman yung kaban ng SSS kasi marami sir na namatay na talaga hindi pa nagno -notify sa amin na namatay na pala,” ani Robredo.

Kaugnay nito ay pinapaalalahanan ng ahensiya ang mga pensyonado, total Disability at Survivor Pensioners gayundin ang kanilang mga dependendant at ang mga pensyonadong naninirahan sa ibang bansa na mag comply sa ACOP bago o sa October 31 ng taong kasalukuyan.

Maaaring magtungo sa tanggapan ng SSS at personal na isumite ang mga dokumento tulad ng filled- up ACOP form at undertaking kung surviving spouse kalakip ang UMID ID at dalawa pang valid ID.

Kung hindi makakapunta ng personal sa opisina ay maaari umanong mag- email o ihulog sa drop box ang nabanggit na mga dokumento kalakip naman ang litrato na nagbabasa ng diyaryo o nanonood ng TV na  visible ang petsa at araw at kinunan sa loob ng isang buwan ng pagsusumite nito.

Paliwanag ni Robredo na mahalaga ang compliance sa ACOP upang hindi matigil ang tinatanggap na pensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *