Covid-19 active cases sa Olongapo mahigit sampo na lang

Bumaba na ng husto ang aktibong kaso ng corona virus disease sa lungsod ng Olongapo.

Base sa kasalukuyang datos, mayroon na lamang labing-apat na active cases ang syudad.

Makikita rin sa talaan na ilang araw nang walang naitatalang bago kaso ang Olongapo at mas mataas ang bilang ng mga nakakarekober.

Samantala, sa kabuuan ay 5,452 ang confirmed cases at mula sa bilang ay nakarekober na ang 5,124 habang 314 ang pumanaw.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published.