COVID-19 cases sa Bicol sumampa na sa mahigit 23,500; death toll umakyat na rin sa 890

BICOL—Pumalo na sa 23,589 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng 107 na panibagong kaso nitong araw ng Linggo.

Pinakamaraming bagong nadagdag sa lalawigan ng Camarines Sur na umabot sa 62 kung saan 30 nito ay mula sa Naga City, anim sa bayan ng Pili, lima sa bayan ng Sipocot, tigtatatlo sa Iriga City at bayan ng Nabua at Sagñay, tigdadalawa ang mga bayan ng Bato, Lagonoy, Pasacao at Tinambac at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Milaor, Pamplona at San Jose.

19 na bagong kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan 14 nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Barcelona at tig-iisa ang mga bayan ng Castilla, Gubat at Juban.

11 kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan apat nito ay mula sa bayan ng Labo, tatlo sa bayan ng Santa Elena, dalawa sa bayan ng Vinzons at tig-isa ang bayan ng Basud at Capalonga.

Anim na bagong kaso namana ng nadagdag sa Albay kung saan tatlo nito ang mula sa lungsod ng Legazpi, dalawa sa lungsod ng Ligao at isa sa bayan ng Libon.

Anim na kaso rin ang nadagdag sa Masbate kung saan tigdalawa ang bayan ng Mobo at Pio V. Corpuz at tig-isa ang lungsod ng Masbate at bayan ng San Fernando.

Dalawang kaso ang naitala sa Catanduanes na parehong mula sa bayan ng San Miguel at isa naman na mula sa labas ng Bicol ang naitalang nagpositibo na galing sa Tagkawayan, Quezon.

Sa ngayon ay nasa 3,465 (14.69%) pa ang aktibong kaso ng sakit habang nasa 19,234 (81.54%) na ang mga gumaling.

18 ang mga bagong nakarekober kung saan pito nito ay mula sa lalawigan ng Catanduanes, anim sa Sorsogon, apat sa Albay at isa sa Masbate.

Samantala, pumalo na sa 890 (3.77%) ang death toll matapos madagdagan ng limang panibagong pagkasawi na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###  || slm

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *