COVID-19 death toll, halos 19,000 na; 137 new fatalities

Aabot na sa 19,000 ang kabuoang bilang ng COVID-19 death toll sa bansa, matapos maitala ng Department of Health ang 137 pang bagong fatalities.

Ito ang ikalawang araw ngayong linggo na ang bansa ay nagtala ng mahigit isang daan fatalities.

Hindi naman kasama sa datos ang resulta mula sa limang laboratoryo na bigong makasumite ng report on time.

Sa ngayon, nasa 18,958 na ang death toll o 1.68% mula sa 1,131,467 na total cases.

Kaugnay nito, naitala ng DOH ang 6,784 na mga bagong infections, dahilan para tumaas rin ang active cases sa 58,986.

Samantala, tumaas naman ang kabuoang bilang ng mga gumaling mula sa respiratory disease sa 1,053,523, matapos madagdagan ng 2,972 na pasyenteng cleared na sa virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *