‘COVID-19 endemic’ posible sa vaccination at anti-virals – OCTA

Naniniwala ang OCTA Research na sa pamamagitan ng vaccination at anti-virals ay mawawakasan ang COVID-19 pandemic sa bansa, habang mabubuksan naman ng bansa lalo ang lipunan nito.

Sa briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte ay hinimok ni Fr. Nicanor Austriaco ang lahat ng mga Pilipino na magpabakuna na kontra COVID-19.

Ito ay upang tuluyan nang makabuo ng population immunity ang bansa.

Ipinunto niya na sa tulong ng pagpapabakuna at anti-viral drugs ay magiging “endemic” ang isang pandemic.

Dagdag niya, balang araw ay magiging regular flu na lamang ang COVID-19.

Umapela rin si Austriaco sa gobyerno na taasan ang population immunity sa paligid ng international gateways o airports.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *