COVID- 19 vaccination sa Camarines Norte napako na sa 82 percent dahil sa paisa- isang nagpapabakuna

CAMARINES NORTE- Napako na sa 82. 7 % ang COVID- 19 vaccination sa lalawigan ng Camarines Norte dahil sa halos paisa- isa na lang na nagpapabakuna sa mga Rural Health Unit.

Sa katunayan noong nakaraang buong linggo ay nasa 51 indibidwal lang ang nagpabakuna sa buong lalawigan at may ilang mga bayan pa ang walang nagpabakuna.

Sa datos ng Provincial COVID-19 vaccination operation center as of February 21, 2023 nasa 359, 349 ang kabuuang bilang ng mga nagpabakuna o 82. 7 % ng 434, 382 target.

Ang mga bayan na mataas na ang vaccination coverage ay ang San Vicente na  mayron nang 116. 3 % o lagpas sa kanilang target population at Daet na may 98. 9 %.

Ang Capalonga ay nasa 97. 8 %, Basud 95. 7 %, Talisay 93. 3 %, Mercedes 82. 4 % at San Lorenzo Ruiz 81. 9 %.

Ang nalalabing mga bayan ay wala pang 80 porsiento tulad ng Labo na nasa 74. 2 %, Jose Panganiban 73. 5 %,  at Vinzons 72. 2 %.

Hanggang ngayon ay nananatiling mababa ang vaccination coverage sa Sta Elena na may 69. 4 % at Paracale na may 67. 5 %.

Sa senior citizen naman ay nasa 75. 9 % pa arin ang vaccination coverage.

Sa target na 46, 754 nasa 35, 475 pa lang ang nababakunahan o hindi pa naabot ang herd immunity para sa naturang age group.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *