COVID-19 vaccine na dumating sa lambak ng cagayan, umabot na sa higit 1.6 million doses

Umabot na sa higit 1.6 million doses ng bakuna ang dumating sa lambak ng Cagayan ayon sa Department of Health Region 2.

Sa huling datos ng ahensya noong October 10, 2021 mayroong kabuoang 1, 676, 540 doses ang nai-deliver sa rehiyon.

Mula sa naturang bilang 1, 155, 541 naman rito ang naiturok na sa mga indibidwal na kabilang sa priority group sa 303 vaccination sites.

615, 119 dito ang nakatanggap ng first dose habang 540, 422 naman ang fully vaccinated na o katumbas ng 20.9% base sa 70% target population.

Sa nakalipas na pitonga araw umabot sa 8, 670 ang average daily administered doses ng COIVD-19 vaccine.

Muli namang hinikayat ng kagawaran ng kalusugana ng publiko na tumanggap ng bakuna kung dumating na ang kanilang schedule.

Habang pinaalalahan ang lahat na panatilihin ang pagsunod sa ipinatutupad na minimum health standards kontra COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *