COVID active tally, bumaba sa 160,297

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,661 pang bagong kaso ng COVID-19, na nakadagdag para sumipa ang official case tally sa bansa sa 3,577,298.

Kaugnay nito, 43 pang fatalities ang naitala sa buong bansa, dahilan para tumaas ang COVID-19 death toll sa 54,097.

Samantala, ang mga bagong survivor naman ay naitala sa 23,392, kaya dumami pa ang mga nakarekober mula sa naturang sakit sa 3,362,904.

Sa gitna nito, bumaba ang bilang ng active cases sa 160,297, o 4.5% ng total case count.

Sa kabilang dako, bumaba ang daily positivity rate sa 24.8%, batay sa 40,453 tests na napaulat noong Jan. 31. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *