DOH, pinag-aaralan kung kailan maaring ibaba sa Alert Level 1 ang NCR

Pinag-aaralan ng Department of Health ang mga kondisyon na kailangang matupad bago irekomenda ang transition ng National Capital Region sa pinakamababang alerto.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario, ang mga metrics na titingnan para sa Alert Level 1 ay ang vaccination coverage, at safety seal requirements.

Dagdag ni Vergeire, ang naturang dalawang factors ang makakapagsabi kung sapat ba ang proteksyon na inilatag sa isang lugar o hindi.

Sa ngayon, ang Metro Manila at pitong iba pang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 2.

Samantala, maliban sa metrics, ipinaliwanag ni Vergeire na kailangan ring patuloy ang monitoring ng virus. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *