CSC suportado ang DOH sa nagpapatuloy na MR OPV SIA 2023

CAMARINES NORTE- Suportado ng Civil Service Commission (CSC) ang Department of Health (DOH) sa kampanya nitong maging ligtas sa Measles Rubella at Polio ang mga bata.

Dahil dito pinapayagan ang mga kawani ng gobyerno na lumabas sa opisina kung kailangang samahan ang kanilang mga anak sa pagpapabakuna sa nagpapatuloy na Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA 2023.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay Camarines Norte CSC Acting Director II Atty. Alicia Salinas sinabi nito na kahit noon pa man na walang “massive vaccination” ay pinapayagan naman ang mga kawani ng gobyerno na lumabas ng opisina para samahan ang kanilang anak sa vaccination center basta’t magpaalam sa head of office.

Kailangan lang aniya ng pirmadong pass slip o locator’s slip o pwede rin namang i- apply ng leave kung aabutin ng maghapon.

Pero kung madali lang naman aniya ay pwede na ang pass slip o magpaalam lang sa head ng opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *