1st District Representative ng Camarines Norte, naghain ng panukalang batas para maitatag ang Camarines Norte Special Economic Zone and Freeport

CAMARINES NORTE- Naghain ng panukalang batas para maitatag ang Camarines Norte Special Economic Zone and Freeport ang First District Representative ng Camarines Norte noong May 15, 2023

Inihain ang house Bill No. 8114, kasabay ng pagbubukas ng session sa Kongreso

Ifinile ang panukalang batas matapos umanong pag-aralan at masusing suriin ang panukalang resolusyon na isinumite sa opisina ng tanggapan ni Mayor Ariel M. Non at Sangguniang Bayan ng Jose Panganiban para sa pagtatatag Special Economic Zone and Freeport sa nasabing bayan.

Naniwala po umano ang 1st District Representative ng lalawigan na malaki ang maitutulong ng nasabing panukala kung ito ay maging ganap na batas para mapaunlad hindi lang ang Jose Panganiban o ang Unang Distrito ng Camarines Norte kun’di pati na rin ang buong lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *