DA, itinaggi ang mga ulat ukol sa napipintong pagtaas ng presyo ng bigas

Itinanggi ng Department of Agriculture (DA) ang mga ulat tungkol sa napipintong pagtaas ng presyo ng bigas, lalo na ngayong buwan.

Sinabi ni Deputy Spokesperson Rex Estoperez na walang nakikitang pagtaas sa presyo ng bigas ang gobyerno dahil inaasahan ng mga local producrs na magkakaroon ng peak harvest sa buwan ng Enero.

Ang pahayag ng ahensiya ay matapos sabihin ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) chairman Rosendo So na maaaring tumaas ang presyo ng bigas ng ₱2 kada kilo.

Sa kasalukuyan, ang presyo ng regular milled rice ay ₱38 kada kilo, habang ang well-milled rice ay ₱41 kada kg at ₱50 kada kilo para sa special rice.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *