Daddy O Action Center, Binuksan sa Botolan

Binuksan sa munispyo ng Botolan, Zambales ang DADDY O Action Center o DOAC.

Ito ay opisina kung saan mabilis na makakukuha ng tulong ang mga mamamayan sa lugar mula sa opisina ng Mayor Omar Ebdane.

Ang mga ibinibigay naman nitong serbisyo ay tulong pinansyal para sa medikal, burial at iba pa.

Bukas ang DOAC mula Lunes hanggang Biyernes ng alas nwebe ng umaga hanggang alas dose ng tanghali.

Kinakailangan ay kumpleto ang mga dokumento mula sa ospital o anumang establisyamento upang agad matugunan ang pangangailangan ng mga indibidwal.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo: Mayor Jun Omar Ebdane

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *