Municipal aquaculture technicians sa Bataan sumailalim sa pagsasanay ng boat admeasurement

Sumailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang dalawamput limang municipal aquaculture technicians.

Ito ay may kaugnayan sa Boat Admeasurement sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Bataan na ginanap sa Orion.

Layon nitong magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga local government technicians patungkol sa pagdedetermina ng volumetric capacity ng isang bangka.

Kasabay nito ay ang pagtuturo rin ng Bureau of Fisheries and Acquatic Resources ng mga panuntunan at regulasyon sa pangingisda sa municipal waters.

Ayon sa BFAR, tuloy-tuloy ang kanilang pagsasagawa ng mga pagsasanay katuwang ang mga LGU.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Photo: BFAR Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *