Dagdag na testing center sa Camarines Norte para ma-accommodate ang dami ng bilang ng examinees sa CSE- PPT pinag- aaralan ng CSC

CAMARINES NORTE – Pinag- aaralan umano ng Civil Service Commission (CSC) ang posibilidad nang pagdaragdag ng testing center sa lalawigan ng Camarines Norte para ma- accommodate ang dami ng mga kumukuha ng Career Service Examination Pen- and Paper test na ginagawa  dalawang beses kada taon.

Sa isinagawang Press Conference kahapon sinabi  ni CSC Regional Director Atty. Daisy Punzalan Bragais na ini- explore nila ang posibilidad na madagdagan ang testing center sa lalawigan tulad sa Camarines Sur na mayroon sa Naga at Pili.

Mababatid na bago tumama ang COVID- 19 pandemic sa Naga City pa kumukuha ng exam ang mga taga Camarines Norte.

Noong 2022 ay nagkaroon na ng testing center sa lalawigan at hindi na kailangang dumayo ng mga taga Camarines Norte sa Naga City.

Ang testing Center sa lalawigan ay ang Camarines Norte State College at Abaño Campus kung saan ginawa ang August 2023 CSE- PPT.

Nang matanong ng Brigada News FM Daet kung may posibilidad ba na madagdagan ang slot ng examinees sa lalawigan at kung pwede itong gawin ng higit sa dalawang beses sa isang taon, sinabi ni Bragais na ang Central Office ang nagdi- decide nito.

Sa March 2024 CSE- PPT ay nasa 1, 450 slots ang allotted sa Camarines Norte para sa professional at sub- professional.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *