Dalaga, timbog sa operasyon laban sa iligal na droga sa Tabaco City

LEGAZPI CITY – Timbog ang isang dalaga sa ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 1-A, Brgy. San Carlos, lungsod ng Tabaco.

Kinilala ang suspek na si Rowena Esteban, at residente ng Brgy. San Ramon ng kaparehong lungsod. Sa ulat, isinagawa ng Tabaco CPS Drug Enforcement Unit, Albay Maritimes Police Station, 505th Maneuver Company, RMFB 5 katuwang ang PDEA Bicol ang operasyon laban sa nasabing suspek.

Pinagbentahan ng suspek poseur buyer ng isang medium size heat-sealed plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang “shabu” sa halagang PHP2,000 na may timbang na 0.61grams at nagkakahalagang mahigit PHP4,000.

Agad naman dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at ang mga narekober na ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *