DA Bicol, kinumpirmang 2 lalawigan pa lamang ng corn farmers ang nakakatanggap ng fuel subsidy sa rehiyon

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) Bicol na dalawang lalawigan pa lamang ng corn farmers ang nakakatanggap ng fuel subsidy mula sa gobyerno, kung saan kabilang dito ang Camarines Sur at Albay.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Dr. Mary Grace Rodriguez, Chief Field Operations Division ng nasabing tanggapan, mayroong card na naglalaman ng P3,000 para sa fuel subsidy ang ibibigay sa corn farmers.

Ayon kay Rodriguez, hindi maaaring i-cash-out ng farmers ang ibinigay na card na kung saan maaari itong gamitin sa diesel at gasoline lamang.

Dagdag pa rito, aabot sa 95 ang mga benepisyaryo ng fuel subsidy sa Camarines Sur at 256 sa Albay.

Tinatayang nasa 1099 naman ang kabuuhan na mabibigyang muli sa buwan ng Agosto ng gas subsidy, kung saan kabilang muli ang Camarines Sur na may 789 corn farmers, Albay na may 116, Masbate na may 50, Sorsogon na may 36 at Camarines Norte na may 85.

Samantala, tiniyak ng opisyal na mayroong mga requirements na dapat isumite ang mga benepisyaryo sa DA Bicol o Municipal Agriculture Office ng bawat LGUs bago mabigyan ng fuel subsidy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *