Dalawang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga sa bayan ng Paracale napasakamay ng mga otoridad

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng pinagisang pwersa ng mga operatiba matapos maaktuhang nagbibenta ng iligal na droga sa isang umaktong poseur buyer ang dalawang suspek sa pagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation dakong 3:00 ng hapon nitong lunes

Ang mga naarestong peronsalidad kinilalang sina JEROME RASCO y Salen, 29 anyos na minero, residente ng Sta. Rosa Street, Barangay Poblacion Norte at si KIMBERLY GALICIA y Encinas, 19 anyos, residente naman ng Purok-7A, Barangay Bagumbayan, sa parehong bayan ng Paracale, Camarines Norte.

Ang umaktong poseur buyer ay nakabili ng isang (1) maliit na selyadong pakete ng hinihinalang “shabu”.

Habang nakuha sa pag-aari ni  JEROME ang tatlong (3) piraso ng maliit na selyadong  pakete ng hinihinalang “shabu” at Isang Libong Piso na bust money

Nakuha naman sa posisyon ni KIMBERLY ang tatlo (3) pang piraso ng maliit na selyadong  pakete ng hinihinalang “shabu”.

Tinatayang umaabot sa 0.06 gramo ang mga iligal na droga na nasamsam sa mga suspek na umaabot sa halagang Apat na Libong Piso (Php 4,000.00).

Ang mga suspek pati na ang mga ebidensya na nakuha mula sa kanila ay kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Paracale MPS para sa pagsasampa ng kasong paglabag sa R.A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa mga ito.

(photo courtesy: CNPPO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *