DantePH: Ilang bahagi ng PH, makakaranas ng ulan – PAGASA

Nag-abiso ang PAGASA na makakaranas ng stormy weather ang ilang probinsya ng Samar, habang ang Bicol Region, at ibang bahagi ng Eastern Visayas at Caraga ay makakaranas ng ulan na may bugsong hangin.

Ayon sa weather bureau, ito ay bilang epekto ng Tropical Storm Dante.

Sa huling pagtaya ng weather agency, huling namataan si Dante sa 290 kilometers northeast ng Surigao City, dala ang lakas na hangin na 75 km per hour, malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 90 kph, habang kumikilos pa-northwestward sa bilis na 20 kph.

Samantala, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at thunderstorms ang iiral sa Mindanao at ibang bahagi ng Visayas.

Ang Metro Manila at ibang bahagi ng Luzon, ay makakaranas ng bahagyang maulap na kalangitan na may kasamang isolated rain showers dahil sa localized thunderstorms. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *