Dating sundalo, arestado sa buy-bust operation sa Cebu

HIMAS-REHAS ang isang dating sundalo matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation ng National Bureau of Investigation Central Visayas Regional Office (CEVRO).

Si Arnel Belicario Auza, naaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa isinagawang operasyon noong gabi ng Mayo 25 sa Brgy. Apas, Cebu.

Nakuha sa kanyang posisyon ang 13 pakete ng hinihinalang shabu at ang marked money mula sa poseur buyer.

Nabatid na si Belicario, ay nauna nang inaresto ng mga miyembro ng NBI-7 sa paglabag rin sa sec. 11 ng RA 9165 noong March 12, 2021 sa parehong barangay.(BNFM CEBU)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *