Higit sa apat na milyong mga komyuter, naserbisyuhan ng libreng sakay ng LTFRB sa Central Luzon

Umabot na sa mahigit apat na milyong mananakay ang naseserbisyuhan ng libreng sakay ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB region 3.

Sa huling datos ng LTFRB region 3, nasa kabuuang 4 million 665 thousand 537 na mga pasahero mula sa iba’t ibang lalawigan dito sa rehiyon ang nakinabang sa libreng sakay sa ilalim ng programa ng ahensya na service contracting program phase 3.

Ang service contracting ay programa ng gobyerno kung saan, sinasahuran ang mga driver ng mga public utility vehicle sa kada kilometro ng kanilang byahe.

Isa rin ito sa paraan ng pamahalaan para maalalayan ang mga tsuper na apektado ang hanap buhay dahil sa pandemya at pagtaas ng presyo ng gasoline.(BNFM PAMPANGA)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *