Death toll sa pananalasa ng bagyong Maring umakyat na sa 30

Umakyat na sa 30 ang naitalang nasawi sa paghagupit ng Bagyong Maring.

Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, 19 dito ang nakumpirma ng ahensiya habang 11 pa ang nanatiling ‘for validation’.

Karamihan sa mga nasawi ay dahil sa flashfloods at landslides.

Maliban dito nasa 14 pa ang nanataling missing habang nasa tatlong indibidwal ang naiulat na nasugatan dahil sa kalamidad.

Nasa 50,040 families naman o katumbas ng 194,677 katao ang na-displaced dahil sa bagyong Maring.

Habang nag-iwan naman ito ng nasa P1 billion danyos sa sektor ng agrilultura.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *