Death toll sa pananalasa ng bagyong Paeng 159 na

Umabot na ng kabuuang siyam na bilyong piso ang danyos na iniwan ng bagyong Paeng sa bansa sa Agrikultura at Imprastraktura.

Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC,  nasa 4.36 billion pesos ang iniwang pinsala ng bagyo sa sector ng agrikultura habang 4.66 billion pesos naman sa imprastraktura.

Ayon sa NDRRMC, tumaas pa sa 159 ang ini-ulat na nasawi dahil sa bagyo. Sa bilang na ito, 124 ang nakumpirma ang pagkakilanlan habang ang 35 ay isinasagawa pa ang validation.

Samantala ayon pa sa NDRRMC, hindi bababa sa 147 katao ang nai-ulat na nasugatan at 30 pa ang nai-ulat na nawawala.

Ayon sa NDRRMC, nabigyan na ng tulong na nagkakahalaga ng 223 million pesos ang mga biktima ng Paeng. //CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *