Mahigit 50 kapulisan ng PNP, nakipag-ugnayan na sa ICC, ayon kay dating Senador Trillanes

Nakipag-ugnayan na umano ang International Criminal Court sa mahigit 50 aktibo at dating tauhan at opisyal ng Philippine National Police (PNP) para ipaalam sa kanila ang kanilang implikasyon sa kasong crimes against humanity laban kay dating Pangulong Duterte kaugnay sa kanyang drug war.

Ito ay ayon sa nakuhang impormasyon ni dating Senador Antonio Trillanes IV.

Aniya, kabilang dito ang mid-ranking hanggang sa mga matataas na opisyal ng PNP na “pangunahing responsable” sa mga kaso ng extrajudicial killings.

Saad ni Trillanes, binibigyan ang mga pulis ng pakakataon na i-exonerate ang kanilang sarili bilang parte ng due process, ngunit kung hindi silang makikipag cooperate ay maaari sila maging suspek at maisyuhan ng arrest warrant ng Interpol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *