Delegado ng Brookes Point sa ginanap na Prov. Meet, tumanggap ng insentibo mula sa LGU

Masayang tinanggap kaninang umaga ng mga manlalaro at coaches ang insentibo kaugnay sa katatapos lang na palarong panlalawigan 2023 sa bayan ng Bataraza

Ito ay ang mga nag-uwi ng karangalan sa munisipyo  na nakapag-uwi ng medalyang ginto, pilak, at tanso

Kaninang umaga ay pinangunahan ni Mayor Cesario Benidito Jr. ang pagbibigay ng nasabing insentibo sa Covered Court ng Poblacion District II.

Tumanggap ang mga atleta ng P1k para sa may Gold medal na may kabuuang 49,000, P700 para sa may iniuwing silver na may kabuuang P32, 900 at P500 sa humakot ng bronze na may kabuuang P35,000.

Mababatid na 1st runner up ang delegado ng Brookes Point sa ginanap na Provincial Meet 2023 kung saan humakot ito ng 166 medals sa kabuuan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *