delta variant 148 cases na sa Calabarzon; Laguna pinakamataas ang kaso sa rehiyon

Batangas -Umakyat na sa isang daan at apatnput walo mga kaso ng delta variant ang napatala ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health Region 4A.

Sa tala ng mga lalawigan sa rehiyon,  Laguna ang pinakamataas ang bilang sa 48 kasunod ang Cavite sa 44 na kaso, Rizal sa 33, labing lima naman mula sa Batangas at walo sa Quezon province.

Ayon kay DOH Region 4A Director Dr. Eduardo Janairo, sa bilang na 148,  apat lamang mula sa mga ito ang mga bakunado, labing tatlo ang nabakunahan ng unang dose, 58 ang hindi pa nababakunahan habang ang 81 ay beneberipika pa ng nasabing tanggapan.

Base pa din sa tala, sa bilang na 148 delta cases, 102 sa mga ito ay local cases, 24 ang returning OFW habang ang 22 ay beneberipika pa.

Bunsod ng nasabing sitwasyon, idiniin ni Dr Janairo na napakahalaga ang mabakunahan upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa virus.

Sinasabi kasi sa datos, na mas marami ang nahahawa sa hanay ng mga hindi nababakunahan kung kaya idiniin muli ng opisyal na mahalaga ang magpabakuna.

Sa kasalukuyan, wala aktibong kaso ng delta variant,  56 ang nakarekober na habang dalawa ang binawian ng buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *