5 Business establishments sa Albay may Safety Seal na-DTI Albay

LEGAZPI-Kinumpirma ng Departement of Trade and Industry o DTI Albay na lima sa pitong nag apply na mga business establishments sa lalawigan ng Albay ay nakakuha na ng safety seal matapos makapasa sa sinagawang evaluation at ang dalawa rito ay nakapending pa.

Ayon kay DTI Albay OIC-PD Dindo Galvo Nabol sa panayam ng Brigada News FM Legazpi, ang safety seal umano ay programa ng national government para matukoy ang mga business establishment na compliant pagdating sa health protocols na pinapatupad ng IATF.

Kasama rin rito ang paglalagay ng mga thermo scanner, pag obserba ng minimum health protocols ng mga customer maging empleyado.

Aniya ang aplikasyon ay ginagawang online samantalang pinakahuling parte ng proseso bago mabigyan ng seal ay ang physical evaluation na kung saan binibisita sila ng DTI inspector.

Samantalang ang nasabi umanong safety seal ay balido lamang sa loob ng anim na buwan ngunit maaaring ma-terminate kung makitaan ng bayolasyon.

Hindi rin umano nito pinipilit ang mga establishemento at boluntaryo ang aplikasyon nito.

Sa ngayon umaasa parin ang nasabing tanggapan na marami ang mag-aaply para masiguro rin ang kaligtasan ng mga mamimili kontra sa nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *