DENR nag isyu na ng ECC para sa proposed Sanitary Landfill ng LGU Basud

CAMARINES NORTE- Nag-isyu na ng Environmental Compliance Certificate (ECC) ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa proposed sanitary landfill ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Basud, Camarines Norte na matatagpuan sa Barangay Binatagan.

Ito ang ibinalita ni Mayor Adrian Davoco sa isinagawang Joint Executive and Legislative Ulat sa bayan nitong Biyernes ng hapon, March 31 sa function hall ng munisipyo na dinaluhan ng mga Department head ng LGU at national government agencies, School Heads, mga Punong Barangay at Senior Citizen.

Ayon sa Alkalde naghihintay na lang umano ang LGU ng tress cutting permit mula sa DENR upang masimulan ang construction.

Naglaan umano ng halagang P6,000,000.00 ang lokal na pamahalaan para sa construction ng SLF.

Tuwang- tuwa na ibinalita ng ALkalde na pag nagkataon, ang Basud ang magkakaroon ng pinakaunang operational SLF sa lalawigan ng Camarines Norte.

Matatandaan na noon pang 2018 nang magkaroon ng plano ang LGU na magtayo ng SLF na natagalan dahil sa mga sertipiko na kailangang kunin sa Mines and Geosciences Bureau (MGB) at Environmental Management Bureau (EMB).

Hindi rin basta- basata ang design nito dahil kinailangang may specialization ang mga taong gagawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *