Zubiri iginiit ang pagbibigay ng dagdag sahod sa mga nurses upang matugunan ang kakulangan nito sa bansa

Binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang pangangailangan ng dagdag sahod upang matugunan ang kakulangan ng mga nurses sa Pilipinas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Zubiri na ang isang nurse ay nakakatanggap lamang ng maliit na sahod mula sa  P15,000 to P20,000 kada buwan sa mga pribadong ospital.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag kasunod ng dikrektiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Commission on Higher Education na tugunan ang bumababang bilang ng mga nurses sa bansa na itinurong dahilan ang migration ng mga ito.

Sa pagdinig ng Senado noong Lunes, sinabi ni Commissioner Erwin Enad ng Professional Regulatory Commission, ang Pilipinas ay may supply ng mga doktor, nurses at iba pang health workers ngunit maliit na bilang lamang sa kanila ang nagsasanay sa kanilang mga propesyon.

Hanggang noong March 24, mayroong 951,105 na rehistradong nurses sa bansa  ngunit 53.55% lamang o 509,297 ang aktibo.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *