Mas maagang init factor dala ng El Niño phenomenon, posible; publiko pinag-iingat ng PAGASA

NAGA CITY- Pinag-iingat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang publiko sa paparating na El Niño Phenomenon, nito pa lamang kasing Marso na neutral pa matinding init na ang nararamdaman.

Marso 24 at 25 umabot 47 degrees Celsius ang init factor o heat index sa  Butuan City, Agusan del Norte. Nito namang nagdaang araw tinawag na “dangerous” ng PAGASA ang heat index sa Catarman, Northern Samar na 46 degrees Celsius (℃) , 43℃ sa Roxas City, Capiz; 42℃ sa  Cotabato City; 42℃ sa Tacloban City, Leyte; at 42℃ sa  Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Ayon kay PAGASA Camarines Sur Chief Meteorological Officer Fred Consulta, sa Hulyo inaasahang magsisimula ang El Niño, pero ngayon pa lamang below normal na ang rainfall. Kailangang maghanda dahil kung magpapatuloy ito sa loob ng tatlong buwan ay mapaaga pa ang El Niño.

Sa lalawigan aniya umaabot na rin sa mahigit  40 degrees celsius ang mararamdamang temperatura.

Maapektuhan ang mga sakahan o mga taniman, pati tubig inumin magkukulang ang supply. Delikado rin na magkaroon grass fire. Para naman sa publiko,  sa mga nagtatrabaho sa ilalim ng sikat ng araw  at sa mga tumutungo sa beach resort, hindi puwedeng magbilad lalo na sa mga oras na alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Una nang sinabi ng Department of Health na magdudulot din ito ng mga sakit at heat stroke.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *