DENR official, iginiit na pinapayagan sa ilalim ng batas ang open pit mining

Binigyang diin ng Department of Environment and Natural Resources na pinapayagan sa ilalim ng batas ang open-pit mining.

Ito ang paglilinaw ni DENR officer-in-charge Jim Sampulna, na dati na rin nagsilbi bilang undersecretary ng attached agencies, mining at Muslim affairs, tungkol sa isyu ng pag-lift ng ban sa open-pit mining sa pamamagitan ng Executive Order 130.

Ipinunto naman ni Sampulna na meron mga polisiya at mga panuntunan na dapat masunod sa pagsasagawa ng open-pit mining.

Ayon kay Sampulna, meron maling paniniwala na destructive sa kapaligiran ang open-pit mining.

Gayunman, ipinaliwanag ni Sampulna na bago pa man ang pagsisimula ng proyekto ay meron nang plano para sa rehabilitasyon kung saan ay sukat na ang magiging pinsala sa kapaligaran.

Aniya, ibabalik naman ito sa dating lagay pagkatapos ng kanilang operasyon.

Inihayag rin ni Sampulna na mahigpit ang national government, mga karatig na mining villages, at ang Mining Industry Coordinating Council sa pagmo-monitor sa mining operations.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *