DENR OIC Sampulna, itutuloy ang Manila Bay dolomite beach project

Nangako ang interim chief ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na itutuloy nito ang mga programa ni dating Environment Secretary Roy Cimatu, kabilang na ang kontrobersyal na Manila Bay dolomite beach project.

Sa isang pahayag nitong Sabado, ay sinabi ni DENR officer-in-charge Jim Sampulna na ang pagpapatuloy ng mga priority projects ng ahensya ay bahagi ng commitment nito kay Pangulong Rodrigo Dtuerte.

Ibinida ni Sampulna na kita na ngayon ang angking ganda ng Manila Bay.

Sa ngayon aniya, ay tinatayang nasa 500-600 meters na lamang ng Manila Bay ang hindi pa nalalagyan ng dolomite sand.

Naitalaga si Sampulna bilang OIC ng DENR matapos magbitiw ni Cimatu sa pwesto noong nakaraang linggo dahil sa isyu sa kalusugan nito.

Samantala, nangako rin si Sampulna na itutuloy niya ang rehabilitation project sa Isla ng Boracay sa ilalim ng kaniyang termino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *