DepEd Camarines Norte ipinag-utos sa mga eskwelahan na magtalaga ng non-teaching personnel na magiging SDRRM Coordinator

CAMARINES NORTE – Ipinag-utos ng Department of Education (DepEd) Camarines Norte sa mga eskwelahan na magtalaga ng non-teaching personnel na magiging School Disaster Risk Reduction and Management (SDRRM) Coordinator.

Batay sa Division Memorandum ni Schools Division Superintendent Crestito Morcilla, ang itatalagang SDRRM Coordinator ang siya nang mamahala sa anumang Disaster Risk Reduction and Management Tasks.

Ang hakbang na ito ay alinsunod sa DepEd Order No 002 na nagtatanggal sa administrative tasks ng Public School Teachers.

Una nang nagpahayag ang Division Office na isang “welcome development” ang naging hakbang ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na tanggalin na ang administrative task ng mga guro o ang mga gawaing walang kinalaman sa pagtuturo.

Umaasa naman ang Division Office na dahil mawawala na ang administrative task ng mga guro ay makaka-focus na ang mga ito sa pagtuturo.

Mababatid na mayroong mahigit kumulang anim na libo ang teaching personnel sa Camarines Norte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *