DepEd employee na nagkaroon ng exposure sa LSI nagpositibo sa COVID- 19

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng panibagong siyam na kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte batay sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes.

Isa dito ay empleado ng Department of Education mula sa bayan ng Capalonga.

Siya ay si Bicol No 10030, isang 51 anyos na babae mula sa Barangay Poblacion.

Batay sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan, nagkaroon ng exposure sa Locally Stranded Individual (LSI) ang pasyente.

Sa ngayon ay sumasailalim na ito sa quarantine procedure.

Nakiusap naman ang LGU sa lahat ng mamayan ng Capalonga na gawin ang pag – iingat sa lahat ng pagkakataon at sundin ang Minimum Health Protocol para maiwasan ang  pagtaas pang lalo ng kaso ng COVID- 19.

Yan ay sa gitna na rin ng patuloy pang pagtaas ng mga naitatalang kaso sa lalawigan.

Kung maalala ay isa na lamang sana ang aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte noong Marso pero pagpasok ng buwan ng Abril ay nagsunod- sunod ang pagtaas nito kaya’t mayroon na ngayong 93 aktibong kaso.

Sa katunayan ay umabot pa nga sa mahigit 150 ang aktibong kaso ng sakit sa lalawigan pero bumaba na rin ulit ito sa double digit makaraang makapagtala ng mataas na recovery rate nitong linggo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *