DEPED, nakapagtala ng halos 2k na child abuse sa mga paaralan simula 2019-2020

Inihayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kabuuang 1,871 na kaso ng child abuse ang naitala ng kagawaran sa mga paaralan simula 2019 hanggang 2020.

Ayon sa Bise Presidente, ang data na nakalap ng DepEd ay “tip of an iceberg” lamang. Ibig sabihin umano nito ay maliit na porsyon lamang ito dahil hindi pa kabilang dito ang posibleng insidente ng child abuse mula sa 10 rehiyon sa bansa na nakatakda pa lamang magsumite ng report.

Dahil rito, hiniling niya sa Child Protection Unit na magsumite ng report sa kabuuang bilang ng naitalang kaso ng pang-aabuso sa mga bata mula sa DepEd offices sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Base sa report mula sa Preda foundation na isang charitable organization, isa sa bawat tatlo o apat na bata ay nakakaranas ng sexual abuse bago tumuntong sa edad na 18.

Sinabi ng Duterte na nakakabasag ng puso ang ganitong report at inihayag na sa ganitong mga kaso ng karahasan sa mga bata karamihan sa kanila ay nananatiling tikom na lamang ang bibig at tinitiis ang pang-aabuso at umaasang ito ay mawawakasan din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *