DepEd Sorsogon province target ang 100% ng mga eskwelahan sa progressive expansion ng limited face to face

SORSOGON CITY—Target ngayon ng Department of Education (DepEd) Sorsogon province Division na makasali na ang lahat ng mga eskwelahan sa buong lalawigan sa progressive expansion ng limited face to face classes sa susunod na school year.

Sa panayam ng Brigada News FM Sorsogon kay Schools Division Superintindent Jose “Toots” Doncillo, inihayag nitong sa ngayon ay mayroon na lamang tatlong eskwelahan sa probinsya ang hindi pa nakakasama sa progressive expansion.

Dalawa sa mga ito ay sa high school at isa sa elementary na pawang nasa bayan ng Bulan. Sa ngayon anya ay binibigyan ang mga ito ng technical assistance ng division office upang makasama na rin sa susunod na taong aralan.

Sa kabuuan, nasa 528 na eskwelahan na sa buong lalawigan ang nakapagsagawa ng limited face to face kung saan mayroon umanong anim na nakahabol sa huling quarter ng nagdaang school year.

Ang mga ito ay mga eskwelahan din sa bayan ng Bulan na ayon kay Doncillo ay nakapag comply ng mga kinakailangang dokumento para mabigyan ng authority to participate sa progressive expansion ng limited face to face.

Mababatid na base sa pahayag ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, mula Agosto hanggang Oktubre na lamang ang blended learning habang ipatutupad naman ang full face to face classes sa Nobyembre ngayong taon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *