LRP ng DepEd Sorsogon province unang ipatutupad sa remedial classes ngayong Hulyo

SORSOGON CITY – Uumpisahan na ng Department of Education (DepEd) Sorsogon Province Division ang implementasyon ng ilan sa mga nakapaloob na estratehiya sa binuong Learning Recovery plan (LRP) nito.

Sa panayam ng Brigada News FM kay Schools Division Superintendent Jose “Toots” Doncillo inihayag nito na binigyan sila ng DepEd ng 15 araw ngayong bakasyon para isalang sa remedial classes ang mga estudyanteng may learning gap lalo na sa pagbasa.

Magsisimula ito sa Hulyo 25 na ayon sa kanya bagamat dalawang linggo lamang ay target nilang maabot ang layunin na mapunan ang learning gap ng mga estudyante partikular sa pagbasa at maihanda sila sa susunod na school year.

Ang kabuuan anya ng nakapalaman sa kanilang LRP ay ipatutupad sa muling pagbubukas ng klase ngayong darating na Agosto.

Kaugnay nito ay binigyang diin ng opisyal na ang pagpapatupad sa LRP bilang estratehiya sa pagpuno sa learning gaps ng mga estudyante dulot ng pandemya ay hindi lamang solong responsibilidad ng DepEd dahil kailangan umano nila ang tulong at suporta ng mga barangay, LGU at iba pang mga stakeholders sa komunidad.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *