DFA inalmahan ang pagpapakalat ng maling impormasyon ng ilang recruitment firms

Umalma ang Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon ng ilang recruitment agencies na dahilan upang magkaroon ng mahabang pila sa labas ng consular office ng DFA sa Parañaque City.

Sa inilabas na pahayag ahensiya, lumabas sa imbestigasyon ng DFA na sinabihan umano ang mga aplikante na patungo sa ibang bansa para magtrabaho na makakakuha sila ng mga passport slot kung pumila sila ng maaga at magdamag.

Ayon sa ahensiya hindi tama ang ikinakalat na impormasyon ng mga manpower agencies sa kanilang mga aplikante tungkol sa walk-in policy ng DFA.

Kaya naman itinuturing ng DFA bilang iresponsable at malisyoso ang ginawang ito ng ilang recruitment firms.

Duda naman ang DFA na nais lamang ng mga manpower agency na monopolyohin ang mga serbisyo ng walk-in policy ng DFA lalo’t nabunyag kamakailan na may ilang agency ang ginagawang raket ang naturang sistema.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *