Sen. Bato, pinangangambahan ang maaaring pag-usbong ng ‘e-sabong cops’

Nangangamba si Senate Committee on Public Order & Dangerous Drugs Chairperson Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa maaaring pag-usbong ng mga e-sabong cops kaugnay sa public hearing ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Dela Rosa, hindi pangkaraniwan ang pagturo ng mga witness sa dalawang pulis na sangkot sa magkaibang kaso sa Laguna.

Ito’y lumalabas umanong appearing pattern o nagiging modus.

Samantala, ayon naman kay Philippine National Police Spokeperson Coronel Jean Fajardo inaasahang sasampahan ng kaso ang 3 pulis na kumpirmadong sangkot sa kaso sa susunod na mga araw na nasa restricted custody.

Nauna ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya ipapatigil ang e-sabong sa bansa dahil nakakatulong umano ito sa ating ekonomiya. (ARGIE ERGINA)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *