Limang Brig. Generals at anim na Colonels, sakop ng panibagong balasahan ngayon sa PNP

Limang Brigadier Generals at 6 na Colonels ang sakop ng panibagong balasahan ngayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management , Police Major General Robert Rodriguez, kasama sa tinaaman ng palitan sa pwesto sina: Police BGen Roderick Mariano na itinalagang acting director ng Southern Police District Office.

BGen Nicolas Salvador na ginawang acting director for plans ng PNP, Police BGen Ponce Peñones Jr. na inilipat bilang Acting Chief ng legislative affairs center ng Directorate for Plans, Police BGen Rizalito Gapas na itinalaga bilang acting district director ng Northern Police District at Police BGen Kirby Kraft na ginawang acting regional director ng Police Regional Office CARAGA.

Epektibo ang balasahan ngayong araw, July 18.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *