Digitalization ng mga serbisyo ng SSS pangunahing prayoridad pa rin

Binigyang diin Social Security System (SSS) nangunguna pa rin sa prayoridad ng tanggapan ang digitalization ng mga serbisyo tulad ng pension fund’s services.

Sa nakalipas na taong 2021 ay nasa 43.52 million mula 52.62 million transactions ang natanggap ng SSS sa pamamagitan ng online.

Dagdag pa nito ngayong nasa pandemya umano ang bansa ay mas nagagamit ang mga online transaction sa pamamagitan ng My.SSS porta, SSS Mobile App, Tex-SSS at iba pa.

Samantala, bagamat unti-unti na umanong ipinatutupad ang mandatory online trasactions ng SSS ay maaari pa ring magamit ng mga myembro ang e-Centers sa bawat branch kung sakali mang walang access o kakayanang gumamit ng online platform.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *