Lima hanggang pitong modified muffler nakukumpiska kada araw ng San Antonio Mps

Pinaigting ng San Antonio Municipal Police Station ang kampanya kontra mga maiingay na modified muffler.

Ayon kay San Antonio Chief Plt Darren Ganotan, sa araw-araw ay nasa lima hanggang pitong open pipes ang kanilang nakukumpiska sa mga motorista.

Sa loob naman ng isang buwan ay nakakaipon ng mahigit limampung modified muffler.

Kapag umabot ng isandaang piraso ay saka ito dinadala sa plaza para doon naman sirain.

Binigyang diin ng PNP na mahigpit na ipinatutupad ang ordinansa tungkol sa Anti-Noise lalo na laban sa maiingay na muffler na madalas ay nakakabulahaw.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo: San Antonio MPS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *