Listahan ng 10K OFWs para sa Saudi Gov’t claim, isusumite ng DMW bago ang May 1

Target ng  Department of Migrant Workers na makumpleto at maisumite bago mag-May 1, 2023 ang  listahan ng mahigit 10,000 overseas Filipino workers  sa Saudi Arabia na may hindi pa nababayarang suweldo at iba pang benepisyo.

Ayon kay DMW Secretary Susan Ople, sinimulan na nilang tumanggap ng mga impormasyon sa mga claimants sa pamamagitan ng paglalaan ng isang email address na para lamang sa mga ito.

Kabilang sa mga impormasyon na ilalagay sa email ay ang pangalan ng OFW, naging trabaho sa Saudi, taon ng pagtatrabaho, pangalan ng kumpanyang pinaglingkuran, IQAMA number,  dating passport number, sweldo at ang hinahabol na claims.

Nakatakdang bumyahe si Ople sa Saudi Arabia sa susunod na buwan. Mayroon ng mahigit 7, 500 7,500 OFWs na nakapag-email sa DMW at umaasa siyang mabubuo nila ang mahigit na 10,000 claimants bago sumapit ang deadline sa May 1.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *