DOH, aapela kung paluluwagin ang polisiya sa face shields

Aapela umano ang Department of Health (DOH) sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na sa ospital lamang i-require ang pagsusuot ng face shields.

Sa isang panayam, binigyang diin ni Duque na di pa oras para tanggalin ang polisiyang magsuot ng face shields dahil nananatiling mababa ang COVID-19 vaccine coverage sa bansa.

Giit ng kalihim, kahit anong layer ng proteksyon ay mas mainam kaysa sa nabawasang proteksyon muna sa virus.

Mababatid na bago ito, sinabi ni Senate President Vicente Sotto III na pumayag ang pangulo na sa ospital na lamang suotin ang face shield.

Kasunod nito, sinabi naman ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na required pa rin ang pagsusuot ng face shields at tatalakayin ito sa meeting ng Inter-Agency Task Force.

Kung matatandaan, binanggit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang Joint Memorandum Circular 2021-0001, kung saan nakalagay sa memo na required ang pagsusuot ng face shields sa enclosed public spaces, mga eskuwelahan, commercial establishments, public transport, at terminals, at mga simbahan.

Gayunman, nakasaad din sa memo na kailangang suotin ang face shields sa ibang pulic spaces kung saan di posible ang isang metrong distancing at kung mayroong mahigit 10 katao sa isang venue.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *