DOH-Bicol mas pinapaigting ang mga hakbang kontra COVID-19 matapos maitala ang local transmission ng Omicron sub-variant sa bansa

BNFM BICOL—Inihayag ni DOH-Bicol Regional Director- Dr. Ernie Vera na mas pinapaigting ngayon ng kanilang ahensya ang mga ipinatutupad na hakbang kontra COVID-19, sa gitna ito ng banta ng sub-variant ng Omicron BA.4.

Ayon sa opisyal, nananatili aniyang mababa ang bilang ng vaccination coverage sa Bicol at katunayan ay kabilang ito sa limang mga rehiyon sa bansa na may mababang turn-out ng bakunahan.

Dahil dito, mas pinalalakas ng ahensya ang kanilang vaccination program sa iba’t-ibang panig ng rehiyon dahil nasa mahigit 1.3 milyon pa umanong mga Bicolano mula sa 5 million na target mabakunahan ang hindi pa rin tumatanggap ng bakuna.

Muli ring ipinaalala ni De Vera sa publiko ang pagsunod sa mga umiiral na minimum public health standards lalo na at batay sa ulat ng ahensya kahapon, bahagyang tumaas ang bilang ng mga naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon nitong nakaraang linggo.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *