DOH Bicol, nakatanggap ng donasyon ng ‘bakuna card’ mula sa isang organisasyon ng simbahan

Nakatanggap ng donasyon ang Department of Health Bicol Center for Health Development (DOH Bicol CHD) mula sa isang organisasyon ng simbahan nitong nakaraang araw.

Ang Hand-Over ng Donasyon ay ginanap sa Church of Jesus Christ of Latter-day Saints sa Legazpi Stake Center.

Nagbigay ang Latter-Day Saints Charities (LDSC) ng kabuuang 5 Biothermal box at 50,000 Bakuna card na gagamitin para sa routine immunization o ang National Immunization Program (NIP) sa Bicol Region.

Ayon kay Bicol Regional Director Dr. Ernie Vera ay nagpahayag ng kanyang pasasalamat para sa mga donasyon na ibinigay ng nasabing organisasyon.

Samantala,  binigyang-diin din ng nasabing opisyal ang kahalagahan ng vaccine preventable disease sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *