Temporary suspension sa paglalayag ng mga bangkang 250 GT pababa lifted na

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ng Philippine Coast Guard na lifted na ang ipinatupad na temporary suspension kahapon sa paglalayag ng mga bangkang 250 Gross Tons pababa.

Batay ito sa ipinalabas na Notice to Mariners kagabi ni Camarines Norte Coast Guard Acting Station Commander  LTJG Ronnie Rey Pabico na agad na naging epektibo sa kanilang Area of Responsibility.

Ang lifting ng temporary suspension para sa lahat ng vessels o watercrafts na 250 gross tons pababa ay kasunod ng inilabas na gale warning advisory ng Pagasa.

Ang naging hakbang na ito ng Coast Guard ay bilang proactive measures upang maiwasan ang mga maritime incident.

Una na nitong inihayag na sa sandaling mag- improve ang panahon at kundisyon ng karagatan ay papayagan ding maglayag ang mga sasakyang pandagat.

Hinadi naman sinuspinde kahapon ang biyahe ng pampasaherong bangka na naghahatid ng mga pasahero mula sa Fish port hanggang Manguisoc at vice versa at tuloy- tuloy lang ito.

Sa ngayon ay patuloy na pinaghahandaan ng Coast Guard ang pagdagsa ng mga turista ngayong paparating na Semana Santa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *